Hanggang ngayon ay thankful at super grateful ang aktres na si Ryza Cenon dahil kahit pa nagdesisyon siyang bumalik sa showbiz makalipas ang ilang taong pamamahinga mula nang mabuntis at manganak, ay hindi na siya nawalan ng trabaho.
Bukod sa mga TV projects sa ABS-CBN at TV 5, ipinalabas din last month sa mga sinehan ang pelikula nila ni Joseph Marco na “Kunwari Mahal Kita” na ipinrodyus din ng Viva Films.
Ipalalabas rin naman sa mga sinehan nationwide simula sa April 26 ang fantasy romance na “Sa Muli” kung saan makakatambal niya for the first time si Xian Lim.
“I’m really so happy with the big projects that Viva is giving me. And on TV, I am also given the chance to do comedy in ‘Kurdapya’ with Yassi Pressman, now being shown on TV5,” sabi ni Ryza.
“It’s about reincarnation. Three years in the making ang movie na ito. We started shooting the film in 2020 then biglang nagka-lock down so we had to stop. Tapos, I got pregnant and nanganak ako. We were able to resume the shoot only last year and finally, heto, natapos din at ipapalabas na,” dagdag niya.
“Napakaganda ng story. Madadala ang viewers sa journey nina Elly ande Pep and will surely root for their love story. You will aurely laugh and cry when you watch the movie,” pagmamalaki pa ng aktres sa movie nila ni Xian.
Natanong din si Ryza kung naniniwala ba siya sa reincarnation.
“Yes, I believe in reincarnation. Kasi di ba, parang may instances na nangyayari sa’yo but feeling naganap na before. Kung meron ngang good psychic, I’d really want to find out more about my past life. Baka makatulong in my present journey, you’ll never know, di ba?” sabi ni Ryza.
Samantala, wala pang plano si Ryza at ang partner niyang cinematographer na si Miguel Cruz na magpakasal. Mas gusto muna nilang pagtuunan ng pansin ang anak nilang si Night na 2 years old na ngayon.