Viral ngayon ang aktres na si Beauty Gonzalez matapos niyang ibahagi ang isang larawan sa Instagram na mayroong kakaibang caption.
Nitong nakaraan kasi ay nag-viral niyang Instagram post kung saan makikita siyang naka-two piece bikini na kulay pink habang may hawak na mga bulaklak at ipinuwesto niya ang isang bungkos na pink roses sa kanang bahagi ng kanyang mukha at ang isang bungkos naman ay nasa ibaba na tumatakip sa kanyang “harapan”.
Kuwento ni Beauty, may go signal naman daw ang ginawa niyang pasabog na pictorial mula sa asawa niyang art curator na si Norman Crisologo kaya wala silang naging problema rito.
At inamin din ng Kapuso star na suggestion niya ang nasabing tema ng photoshoot at natutuwa naman siya dahil maraming netizens ang pumuri rito, pati na rin ang mga kaibigan niya sa showbiz.
“It was my idea. I was like, ‘What am I gonna do with these flowers? Okay, I’ll put a flower here (sa ulo at mukha) and a flower there (private part).’ I don’t know. Natawa ako doon,” saad ni Beauty.
“Well, sabi ko, ‘Baby, my flower went viral.’ Sabi niya, ‘What do you mean? What flower are you talking about?’ Sabi ko, ‘Not my flower, flower, hello! I’m talking about the flower photo!’” dagdag pa niya.
Saad pa ng aktres, napakaswerte talaga niya sa kanyang mister dahil bukod sa mabait at responsable, napaka-supportive rin nito sa lahat ng kanyang proyekto.
“My husband is very funny at the same time hindi naman siya ‘yung tipo ng lalake na seryoso. He’s very open and kind. Actually he was the one who insisted me to post that photo ’cause he really likes it. Ako nahiya ako mag-post ng sexy photos pero kapag sinabi na ng asawa ko mag-post, siyempre, post naman ako kasi mas naniniwala naman ako sa kanya,” sabi ni Beauty.