Maraming mga netizens ngayon ang nagakakaroon ng kuro-kuro kung bakit tila in-unfollow na ng social media influencer na si Bella Racelis ang aktor na si Joshua Garcia, na maraming nagsasabi na may relasyon na nga ang dalawa.
May ilang netizens kasi ang nag-search ng username ng aktor sa following ng dalaga sa Instagram pero hindi na nila ito makita, pero si Joshua, naka-follow pa rin sa dalaga.
Agad ngang kumalat sa social media ang mga screenshots o resibo ng pag-unfollow ni Bella sa binata.
Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang naganap sa dalawa.
“Tama yan bella, iunfollow mo si joshua. pila na po ulit,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Promo for upcoming serye. Para namang di kayo sanay. Lol.”
Chika pa ng isa, “Ito ang bad news pero good news. Tuloy ang pila este buhay.”
“Hindi na siguro kinaya ni Bella ang paghigop ni Joshua,” hirit naman ng isa.
Matatandaang noong August 2022 nang unang lumabas ang chika na may “something” sa pagitan ng dalawa.
Ito ay matapos ma-ispatan si Joshua na aktibo sa pag-like at pag-comment sa mga posts ni Bella. Matapos ang dalawang buwan ay nakita naman ang dalawa na magkasamang naglalakad habang tila magka-holding hands.
Bagamat inamin ni Joshua noong Nobyembre na nananatili siyang single, marami namang ang nakapansin na tila magkasama silang nagbakasyon noong Disyembre sa Japan kasama ang pamilya ni Bella.