May naughty side pala ang aktres na si Sarah Lahbati at kita ito nang mag-post ng mga topless photos ng kanyang asawang si Richard Gutierrez.
May pagka-“naughty” kasi ang paandar na caption ni Sarah sa mga litratong ibinahagi niya sa Instagram kung saan makikita ang hubad at pa-yummy na katawan ni Richard.
Ang kalakip na mensahe ni Sarah sa mga ibinahaging hunky pictures ng kanyang asawa, “What’s for dinner?” Dito makikita rin ang kanyang litrato na may hawak na baso with matching napakapilyang ngiti.
Siyempre, sandamakmak na netizens ang napa-comment sa post ni Sarah na parang first time niyang ginawa sa social media.
Pati nga ang mga kapwa niya celebrity ay napa-react kabilang na ang kaibigan niyang si Liz Uy at ang kakambal ni Richard na si Raymond Gutierrez.
Pinuri rin ng mga IG users ang katawan ni Richard kaya sino raw ba ang hindi mapapatanong kung ano nga ba ang “dinner”? Narito ang ilan sa mga nakakalokang reaksyon ng IG followers ni Sarah.