Aminado ang aktres na si Jennica Garcia ay ang maging bahagi ng Filipino adaptation ng isang South Korean series at ayon sa kanya, matagal na niyang pinapangarap na makasama sa isang Pinoy version ng sikat na K-drama dahil talagang adik na adik din siya sa mga South Korean series.
“Dati nahihiya po akong sabihin pero okay na sabihin ko na ito. I really want to star in a Korean adaptation series,” saad ni Jennica.
Handa raw siyang sumalang sa kahit anong audition sakaling may bagong gagawin ang ABS-CBN na Filipino adaptation ng mga sikat na K-Drama.
“Ipagsasabi ko na para kapag may audition ay makapag-audition po ako,” sey ng aktres na napapanood ngayon sa hit Kapamilya series na “Dirty Linen” kung saan gumaganap siya bilang si Lala.
In fairness, hindi raw niya inakala na magiging mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa kanyang pagbabalik-telebisyon. Natutuwa siya at nagpapasalamat sa patuloy na nanonood ng kanilang programa at sa pagsuporta sa karakter niyang si Lala.
“Nakakagulat din po talaga. Ako rin mismo sobra akong natutuwa kung paano siya in-accept ng mga tao. Sulit po lahat po talaga ang pagod. ‘Yung role po kasi ni Lala parang feeling ko po very fit siya for someone who wants to make a comeback in the industry,” lahad ni Jennica.
“Because of Lala’s many disguises I feel that I was able to show, I hope, that I am able to do different kinds of role dahil nga iba’t iba ‘yung disguise niya,” dagdag niya.
Plano na sana niyang mag-OFW noong wala na siyang natatanggap na offer sa mundo ng showbiz, “Iniisip ko na rin po nu’n na okay lang ‘pag ‘di ako mabigyan. Mag-o-OFW na lang po ako. Ito lang ang alam ko na trabaho e, ang pag-aartista. Ang isa ko na lang pong naiisip ay mag-ibang bansa.”
Hanggang sa dumating na nga ang pagkakataon na makabalik siya sa showbiz, “Alam ko na they didn’t think of me when our writers were making Lala into the character that she is today. Pinag-igihan ko po talaga kasi para sa akin ang dami kong kailangan patunayan at ayoko mapahiya si Sir Deo.
“Ang goal ko ang maiisip ng mga boss ko, ‘tama, dapat siya nga si Lala,’” sabi pa ni Jennica.