Ilang mga netizens ang nakakapansin ngayon ng mga umano’y hugot post ng aktres na si Ara Mina kaya ang ilan, napapatanong na kung may problema sila ng kanyang asawang si Dave Almarinez.
May mga IG post kasi ang aktres na makahulugan kaya ang ilang mga netizens, kanya-kanya nang haka-haka.
“LORD PLS…(praying hands emoji), PLS GUIDE ME…I’M SOMEWHERE BETWEEN GIVING UP AND SEEING HOW MUCH MORE I CAN TAKE,” saad ni Ara sa post.
Pagkalipas ng isang oras ay may post uli si Ara sa IG.
“There’s a difference between giving up and knowing when you’ve had ENOUGH” na sinundan pa ito ng Bible verse mula sa Philippians 4:13, “I can do all things through him who’s strengthens me. Amen.”
Nagulat nga ang ilang mga netizens sa sunud-sunod niyang posts na mukhang may kinalaman sa pagsasama nila ng asawang si Dave.
“LORD PLS…PLS GUIDE ME… I’M SOMEWHERE BETWEEN GIVING UP AND SEEING HOW MUCH MORE I CAN TAKE,” sabi pa sa post.