Inamin ng aktres na si Kylie Padilla na fan na fan siya ng tambalang Kim Chiu at Gerald Anderson at ayon pa sa kanya ay talagang nanonood siya ng mga pelikula nina Gerald at Kim Chiu noong kasagsagan ng kasikatan ng tambalang Kimerald.
First time magsasama sa pelikula sina Kylie at Gerald, kaya natanong sila sa presscon ng “Unravel: A Swiss Side Love Story” kung ano ang impression nila sa isa’t isa noong una silang magkita sa kanilang look test.
Sabi ng Kapamilya hunk sa mediacon ng kanilang 1st Summer Metro Manila Film Festival entry noong March 29, “That was maybe one week before kami lilipad for Switzerland.”
Sabi ng aktor, alam niyang magaling na aktres si Kylie base na rin sa mga teleseryeng nagawa nito sa GMA 7 nitong mga nagdaang taon.
Chika naman ni Kylie, “Nakakahiyang aminin but I was a fan. Fan ako ng Kimerald, sorry! Ha-hahahaha!” sabay layo kay Gerald.
“Naging honest lang ako. Nanonood ako sa sine ng mga pelikula nila. But then nu’ng nandu’n na kami, I need to be professional. Talagang tinanggal ko lahat yun, and nagtrabaho ako,” dugtong na sabi ni Kylie.
Ayon naman sa aktor, “Kahit hindi ko pa siya nakakasama, alam ko na si Kylie is a very good actress and I’m very privileged na na-witness ko yan in person and nakaeksena ko siya.
“But more than anything, napaka-humble, napaka-down-to-earth. And very cowboy din. Sa ganu’ng klaseng shoot, kailangan kalma lang, kaya mong mag-adjust. Kasi maraming puwedeng mangyari. Nasa abroad kami, hindi namin hawak yung lugar. So she was very professional, and naging mas madali ang shoot,” lahad ng binata.