May parang pasaring ang aktres na si Andrea Brillantes sa kanyang speech sa ginanap na Star Magical Prom na ginanap last March 30 sa Bellevue Hotel, Alabang matapos niyang mag-viral, mapuri at ma-bash sa ginawa niyang “promposal” para sa kanyang basketball player boyfriend na si Ricci Rivero.
Kung matatandaan, nakuha nina Andrea at Ricci ang “Best Promposal” at “Most Creative Promposal” awards sa nasabing event na dinaluhan ng mga promising youngstars ng ABS-CBN.
Sa nangyaring presentation ng Star Magic’s junior class ngayong 2023, naatasan nga si Andrea na magbigay ng inspirational message sa next generation of stars na gustong sundan ang kanyang mga yapak.
“Hinanda ko talaga speech na ito kaya dala ko phone ko. Kasi I genuinely care for you guys bilang isang Star Magic artist. So I was asked to make a speech for you and at first dapat ang magiging focus sa speech na ito is how to handle bashers. Kasi parang yun talaga yung main concerns natin, di ba?” sabi ni Andrea.
“Pero honestly kasi, bilang artista, sa trabaho natin, hindi natin sila matatanggal. There will always be bashers and you cannot please everyone. And honestly, ang advice ko lang du’n, is just don’t mind them. Alam ko ang hirap nu’n. Believe me, ang hirap talaga nu’n, pero they don’t really matter. You know what matters? Yung kung paano kayo bilang tao, paano ba kayo bilang artista. Kayo ba ay masipag? Kayo ba ay mabait sa lahat? O kayo ba yung artista na nang-aapak ng iba upang makaangat? Kasi a lot of us will demand and think kung anong deserve natin, iisipin natin na, ‘Sana ako din, sana ako na lang. Kailan kaya ako eh matagal na ako dito,’” dagdag niya.
Samantala, may paalala rin siya sa lahat ng mga baguhang miyembro ng Star Magic, “Listen guys, your time will come. You have to believe in God’s timing. And Siya lang talaga ang makakapagsabi kung anong deserve natin.
“Ako, I had to work hard for 10 years para mabilhan ko ng bahay yung pamilya ko. It took some time yes, pero it happened. Alam niyo, huwag kayo masyado magpadala sa pressure. Kasi andito tayo dahil may pangarap tayo. Hindi ito pabilisan. Hindi para malaman kung sino mas mabilis sisikat. Andito tayo kasi may goal tayong lahat di ba? So we worry so much sa iba’t ibang bagay when we should be focusing on ourselves. It’s really important to be kind to one another, hindi lang sa kapwa niyo artista, hindi lang sa mga boss natin. Dapat pati sa staff, pati sa crew. You should give equal respect to everyone. You should never feel superior kasi malay niyo, sa next project niyo sila na yung director niyo di ba? Sila na yung boss ninyo,” sabi ng dalaga.