Pihadong aabangan ng publiko ang bagong karakter na gagampanan ng aktres na si Elisse Joson sa top-rating serye ng ABS-CBN na Dirty Linen.
TILA may pagkakatulad ang buhay at career ni Elisse Joson. Ito ang napansin naming lately.
Gagampanan ng aktres ang karakter ni Sophie Madrigales, ang ex-girlfriend ni Aidan (Zanjoe Marudo) sa “Dirty Linen” kung saan determinado umanong makuha niyang muli ang kanyang pagmamahal ni Aidan.
Dahil dito, magsisilbing tinik sa buhay ni Mila (Janine Gutierrez) si Sophie dahil unti-unti na sanang nakukuha ni Mila ang loob ni Aidan para sa plano niyang paghihiganti sa pamilya nito.
Ayon kay Elisse, natutuwa siyang mapabilang sa isang kapana-panabik na kwento kasama ang mahuhusay na co-stars.
“I was really excited kasi ang tagal ko ding hindi gumawa ng teleserye. Nandoon ‘yung gustong-gusto kong magtrabaho ng panibagong gagampanan. ‘Yung kaba rin is always going to be there pero ‘yung kabang masaya,” saad ni Elisse.
Dagdag pa niya, kaabang-abang ang kanyang character dahil sa iba pang pasabog na rebelasyon, kabilang na rito ang masalimuot na sikreto ng kanyang karakter.
“There’s so much more in Sophie na magugulat kayo. I’m excited to watch din kung paano mag-a-unfold ‘yung story ni Sophie, kung ano ‘yung dala niyang bagsik,” sabi pa niya.
Sa kanyang official Instagram account, Elisse posted some wet look photos with this caption, “Say hello to Sophie Madrigales. Tonight at 9:30pm #DirtyLinen.”