Aminado ang aktres na si Barbie Forteza na medyo feeling drowned na siya nitong mga nakaraang araw kaya naman nag-decide siyang magpahinga sa trabaho at magbakasyon muna sa Chicago, Illinois sa United States.
Sabi ng dalaga, ninais niyang magkaroon ng normal at tahimik na buhay ng mahigit dalawang linggo.
“Felt like I was drowning from all the unnecessary noise my world has been giving me,” caption niya sa IG post. “So, I decided to come here and I’ve experienced the best 20 days of normal, calm and quiet life.”
Pero giit ni Barbie, pagkatapos ng kanyang bakasyon ay handa na raw ulit siyang sumabak sa kanyang trabaho.
“Now, I can’t wait to go back to my world again. I won’t drown this time. I’m not afraid of the water anymore cause now, I know how to swim,” dagdag pa niya.
Magugunitang noong Oktubre ng nakaraang taon ay naging abala si Barbie dahil sa kasikatan ng pinagbibidahan niyang historical fantasy drama na “Maria Clara at Ibarra” na kung saan ay katamabl niya ang aktor na si David Licauco.
Katatapos lang ng nasabing teleserye, ngunit muli silang binigyan ng proyekto.
Muling bumida ang dalawa sa “Lady and Luke” episode ng award-winning fantasy ng GMA na “Daig Kayo Ng Lola Ko” na nagsimula noong March 12.
Sa naganap na digital mediacon noong March 7, inamin ni David na hindi na siya masyadong nakapagpahinga after ng “Maria Clara at Ibarra” dahil binigyan sila agad ni Barbie ng bagong assignment.