Ibinahagi ng sexy actress na si AJ Raval sa publiko nitong nakaraan na ipinatanggal na niya ang kanyang mga breast implants at proud niyang ipinakita ito sa kanyang social media.
Kapansin-pansin din na mas lumiit na ang kanyang dibdib sa litrato kung ikukumpara ito sa mga sexy photos niya noon.
Kung matatandaan, December last year nang aminin ng dalaga na sumailalim s’ya sa breast enhancement procedure pero nagpa-plano siyang ipatanggal ang mga iyon.
“Last year [2020] nagpa-enhance po ako ng boobs. Ayoko pong magsinungaling, natanong na sa akin, e. Pero planning po ako na ipatanggal [ang implant] next year [2022],” pag-amin ni AJ.
Inamin din niya in that media conference na mas na-conscious daw s’ya after niyang magpa-enhance ng dibdib kumpara noong wala pa s’yang ipinalalagay doon.
“Gusto ko po magkaroon ng freedom sa sarili mo. Before po kasi, hindi naman ako nako-conscious sa boobs ko. Pero ever since na [may] ipinalagay po, doon po ako nag-start na ma-conscious,” pagpapakatotoo pa niya.
Aminado naman ang aktres na sumaya rin naman daw s’ya sa resulta ng kanyang pagpapa-enhance. Pero na-realize daw niya na mas gusto na lang niya na ibalik ang mga ’yon sa dati.
“It was only last year [2020]. Hindi po ako nag-iisip that time. Na-excite po ako masyado. Naging happy naman po ako pero ang dami kong realizations and I’m planning na ipatanggal next year,” pahayag pa that time ni AJ.