Nagtatanong ngayon ang ilang mga netizens kung mayroon bang pinagdadaraanan ang asawa ng aktor na si John Estrada na si Priscilla Meirelles dahil sunod-sunod ang ginawang post nito sa IG na talaga namang cryptic kung iisipin.
Kumakalat na ngayon sa social media ang mga post ni Priscilla na may kaugnayan sa mga naghahabol umano sa mga may asawa na.
“Married men/women who chase single boys/girls are seriously so pathetic!” saad ng asawa ni John. “Guys, close your eyes. Imagine you have a daughter. Imagine she is dating a guy like you. Did you smile? No. Then change.”
May pa-survey pa nga ang asawa ni John at tinanong niya ang netizens kung anong tawag sa babaeng nag-e-entertain ng mga lalaking kasal na.
May mga sumagot sa asawa ni John na “anaconda”, “hitad”, “linta”, “makati”, “homewrecker” at marami pang iba.
“Thanks to all that reply for helping me to increase my vocabulary with new meaningful words,” saad naman ni Priscilla.
Si Priscilla ay dating TV host-actress at beauty queen rin na siyang nagwagi bilang Miss Globe 2003 at Miss Earth 2004.
Kamakailan lang ay spotted na magkasama ang dalawa matapos dumalo sa isang birthday event.