Nagpapasalamat ang aktres na si Kathryn Bernardo sa kanilang mga fans at aminado ang dalaga na talagang super proud siya sa kanilang fanbase.
Ayon kay Kath, nagpapasalamat siya sa suportang ipinapakita sa tandem nila ng real-life boyfriend niyang si Daniel Padilla dahil hanggang ngayon ay patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanila dahil hinahayaan silang mag-grow individually.
Nitong nagdaang Monday, March 27, in-announce ni Kath na tatlong bonggang pelikula ang gagawin niya sa mga susunod na buwan at una na nga riyan ang dark comedy na “A Very Good Girl” at ang historical drama na “Elena 1944” kung saan gaganap siya bilang comfort woman noong Japanese occupation.
At bukod nga rito, matutuloy na rin ang reunion movie nila ni Daniel na ididirek ng blockbuster filmmaker na si Cathy Garcia-Molina bilang tugon sa matagal nang request ng KathNiel.
“I think there will be another, a different announcement for DJ naman. But alam naman nating lahat na like Direk Cathy, she announced na, what Inang (Olivia Lamasan, magdidirek ng Elena 1944) said kanina, I will be doing a movie with DJ right after ‘A Very Good Girl.’ I think ‘yung mga fans naman sa kanila na rin nanggaling which is ‘yun ang natutuwa at napa-proud ako sa fans namin na KathNiel and individually because they allow us to grow. They let us do what makes me happy, what makes DJ happy. And eto, alam ko naman na ito rin ang gusto nila kasi alam ko na ito palagi kong naririnig na hinahanap nila,” sabi ng dalaga.
Ayon pa kay Kath, mutual decision nila ni DJ na magsolo muna sa mga susunod nilang projects, “Si DJ, KathNiel will always be there. ‘Yun naman ang palagi kong sinasabi.
“Ang importante kami ni DJ off-cam kami ay nagsusuportahan sa isa’t isa. And sa mga gagawin ni DJ in the future 100% susuportahan ko siya kasi alam ko na masaya rin siya sa gagawin niya. So mayroon kaming gagawin individually but mayroon pa rin under Direk Cathy. So binigyan lang namin siguro ‘yung time because we both needed to do this. Approved ito naming dalawa, mutual decision ito naming dalawa and excited din ako what is in store for DJ,” saad pa ni Kathryn.