Nagpaalala ang aktres na si Angelica Panganiban sa kanyang mga kapwa moms na kailangan pa ring magkaroon ng time para sa sarili at hindi dapat magpabaya kahit pa marami na silang ginagawa at iniisip.
Sa kanyang IG, ibinahagi ng aktres ang isang larawan nila ng kanyang anak na si Baby Bean habang buhat-buhat niya ito.
“Reminder to check on yourself once in a while. Tayong mga momsies, marami na tayong iniisip at inaalagaan. ‘Wag kalimutan ang sarili,” saad ng aktres. “Lalo na at summer naaaaa, ‘wag hayaang mahulas ka ng ganun ganun na lang.”
Marami naman ang nakapansin sa pagpayat ng aktres matapos ang kanyang pagdadalangtao sa kanilang panganay na anak ng fiance na si Gregg Homan.
Kasabay naman ng pagpuri sa figure ni Angelica ay ang pagpuri at pagkagigil ng mga netizens sa cuteness ni Baby Bean.
Matatandaan noong Setyembre 2022 nang isilang ng aktres si Baby Bean o Amila Sabine Homan at last month lang nang maganap ang binyag nito na tila naging star-studded event dahil sa mga dumalong malalapit na kaibigan ni Angge gaya nina Judy Ann Santos, Kim Chiu, Bela Padilla, Cherry Pie Picache, Glaiza De Castro, John Prats, Isabel Oli, Ketchup Eusebio, at marami pang iba.