Aminado ang aktres na si Bea Alonzo na nais niyang magkaroon ng maraming anak dahil pakiramdam niya ay magiging masaya ang pagkakaroon ng isang malaking pamilya.
Sa isang panayam, natanong ang dalaga kaugnay sa pagkakaroon ng anak at ayon sa kanya ay noong bata-bata pa siya, mas gusto niya ng maraming bata sa family dahil isa lang daw kasi ang kapatid niya kaya parang mas happy daw kapag may iba pa siyang mga kapatid.
“Before, when I was younger, I wanted to have many children but malamang hindi na mangyari ‘yun,” sabi ni Bea.
Sa pakikipagpalitan ni Bea ng mensahe sa kanyang social media followers, sinagot ng aktres ang tanong na, “You’re not getting any younger po, when will you get married and have kids like (Marian Rivera, Anne Curtis, Jennylyn Mercado, etc.)?”
“May taxi? Hindi ako nagmamadali. I’d like to take my time. It’s not a race after all. I believe we all have our own timeline,” saad ni Bea.
At sa tanong kung ano ang mga qualities na nagustuhan niya sa boyfriend na si Dominic Roque, “The way he loves me, the way he takes care of me. Sarap pala ng inaalagaan.”
Dalawang taon na ang relasyon nina Bea at Dominic noon lamang January, 2023 at inamin ni Bea na nagkaroon siya ng trust issues bago sila naging magkarelasyon ni Dominic.
“We dated for more than a year, walang label. I was afraid to fall in love again, to commit to somebody na alam ko possible ring saktan ako,” sabi ni Bea. “So, yes, may trust issues ako. But then, I’m working on it..Every day, Dom proves me wrong. That love is worth fighting for.”