Binuweltahan ng internet sensation at sikat na content creator na si Zeinab Harake makaraang may isang netizen ang nag-body shame sa dalaga.
Nitong nakaraan kasi ay nanood si Zeinab ng concert ng K-pop group na Blackpink dahil talagang dream come true ito para sa kanya bilang isang certified BLINK ang makapanood sa concert ng iniidolong South Korean all-female group.
Talagang in-enjoy nang bonggang-bongga ni Zeinab ang pagpapaka-fan girl sa Blackpink concert base na rin sa mga litratong ipinost niya sa kanyang Instagram account.
Makikita ang YouTuber suot ang kanyang OOTD na loose fit pink shirt, red cap at shorts habang nakikisabay sa pagkanta at pagsasayaw ng kanyang super idol na K-pop group.
Pinusuan at ni-like naman ito ng sandamakmak niyang fans kasabay ng pagbati sa katuparan ng kanyang pangarap. May mga netizens naman na napa-sana all na lang na gusto rin sanang manood sa concert ng Blackpink.
Pero may isang naligaw na mensahe mula sa isang netizens na nag-comment ng, “Bakit lumaki ‘yung osus mo e dati naman wala. hahahahaha!”
Hindi naman ito pinalampas ni Zeinab at cool na cool na sinagot ang bastos na bashers, “Silicon lang sis, na-push sa sikip!”
May mga fans naman si Zeinab na nagtanggol sa kanya at kinuyog ang epal na netizen.