Ibinahagi na ng aktres na si Iza Calzado sa publiko ang larawan ng panganay na anak nila ni Ben Wintle na si Baby Amihan makalipas ang tatlong buwan mula nang siya’y manganak.
Deia Amihan Calzado Wintle ang buong name ng baby na obviously ay isinunod sa karakter niya sa Kapuso action-fantasy-drama series na “Encantadia.”
Sa kanyang IG, ibinahagi ng aktres ang litrato ni Baby Amihan, yun nga lang ang tanging makikita sa picture ay ang mumunting kamay ng sanggol at ang kanyang baba at lips.
“Words can’t describe the love we’re feeling as we introduce our precious baby girl, Deia Amihan Calzado Wintle. Born on January 26th, 2023, she’s already stolen our hearts and brought so much joy into our lives. We’re so grateful for the love and support from our family and friends, and can’t wait for all the adventures that lie ahead. Big love from our family to yours! (three red heart emojis) #WintleHasArrived,” sabi ni Iza.
Mukhang hindi na muna magtatrabaho si Iza dahil ang balita, tututukan muna niya ang pag-aalaga kay Baby Deia Amihan katuwang ang asawang si Ben. Ito rin naman ang sinabi ni Iza bago siya manganak, baka raw matagal-tagal muna siyang magpapahinga sa showbiz.
In fairness, balitang may mga kumakausap nang mga kumpanya kina Iza at Ben para kuning endorser si Amihan pero baka raw hindi muna sila tatanggap ng offer. Sey daw ng aktres, may tamang panahon para rito.
Samantala, siguradong tuwang-tuwa rin ang mga kapwa Sanggre ni Iza sa pagsilang ni Baby Amihan, na sina Diana Zubiri, Karylle at Sunshine Dizon, na hanggang ngayon ay solid na solid pa rin ang pagkakaibigan.