Kumakalat ngayon sa social media ang balitang nagkaroon umano ng issue ang sikat na content creator na si Zeinab Harake at ang businesswoman na si Anna Magkawas at ayon sa mga balita ay mayroon umanong alitan na namamagitan sa dalawa.
May mga kumakalat kasing chika na mukhang hindi na raw ire-renew ang kontrata ni Zeinab bilang endorser ng Luxe Slim na pagmamay-ari ni Anna.
Noong nakaraang taon lang nag-umpisa ang relasyon ng dalawa bilang magkaibigan at magkatrabaho. Matatandaang nag-post pa si Anna ng vlog kung saan mapapanood ang una nilang pagkikita ni Zeinab.
Kung totoo man ang balitang ito, siguradong malaking kawalan sa bawat isa ang paghihiwalay nila ng landas.
Siyempre, kawalan si Zeinab para sa kumpanya ni Anna dahil sobrang dami nitong followers sa social media, lalong-lalo na sa YouTube.
At kawalan din naman kay Zeinab ang kanyang endorsement dahil isa ito sa pinakaumusbong ngayong local brands, na nagsimula nga nitong kasagsagan ng pandemya.
Ang Luxe naman, sa pangunguna ni Anna, ay nagsimula lang sa pagbebenta ng pre-loved designer items hanggang sa ito ay magkaroon na rin ng sariling beauty and wellness center na ini-launch pagpasok lang ng taon na ito.