May mga umuugong ngayong balita na mayroon na umanong special someone ang aktres na si Cristine Reyes matapos kumalat na nagbakasyon umano siya sa Siargao kasama ang aktor na si Marco Gumabao.
Namataan kasi ng publiko na magkasama silang nagbakasyon doon, na sinundan pa ang another sighting na magkasama sila sa isang restaurant sa Makati.
Nang matanong ang aktor kaugnay rito, sinabi ng binata na mas maganda kung si Cristine na ang tanungin pero nang lumaon ay medyo nag-open na ito.
Ayaw daw kasi n’ya na may mga nakikisawsaw agad sa kung anong meron sa kanila ngayon.
“Hindi naman sa hindi pa right time pero siguro we’re just enjoying ’yong time namin nang kami muna, nang wala munang nakikiusyoso,” sabi ng aktor.
“Kasi the reason why I’m very private when it comes to love life is because pag nalaman ng tao, for example, you’re dating this woman, maraming makikigulo, e. Maraming eepal, maraming maninira. ’Yon ’yong ayoko,” giit pa niya.
“And at the same time, happy naman kami sa tahimik na buhay.”
Hindi naman daw nila itinatanggi na lumalabas nga silang magkasama. Wala naman daw s’yang nakikitang mali dito dahil pareho naman silang single sa ngayon.
“Wala naman kaming dine-deny. Hindi naman kami nagde-deny ni Cristine. I mean… Of course, napag-usapan na rin naman namin ’to, ’di ba? We’re not denying anything,” lahad pa ni Marco.