Inamin ng aktres na si Yassi Pressman na walang away o issue na namamagitan sa kanila ng aktres na si Nadine Lustre at ayon sa dalaga ay walang dapat ipag-aalala ang kanilang mga fans.
Tinuldukan na ni Yassi ang mga espekulasyon na apektado ang friendship nila ni Nadine matapos lumitaw ang relasyon ng kanyang kapatid na si Issa Pressman kay James Reid.
Sinagot ni Yassi ang tanong tungkol sa nasabing kontrobersya sa naganap na presscon ng kanyang latest romance-comedy series sa TV5 at Cignal TV na “Kurdapya.”
“Sige po para tapos na po, ha. Isang beses ko lang po ‘tong sasabihin. Wala pong problema,” sabi ni Yassi. “Kami po ni Nadine, okay po kami. Okay rin po ‘yung buong pamilya namin. At siyempre po, bago po nag-public ang lahat, lahat po naasikaso in private. So, lahat po walang problema.”
“And me and Nadine are cool, we’re friends. We’ve been friends ever since we were kids kaya naman, lahat po okay po. Tsaka ilang taon na rin po. Kaya ayon, sana everybody, let everyone be happy,” dagdag niya.
Nabanggit din daw niya kay Nadine na nagkakaroon na siya ng anxiety dahil sa kaliwa’t kanang pamba-bash sa kanya ng mga netizens mula nang pumutok ang balita about Issa and James.
“She said sorry to hear that. ‘I hope you feeling better,’ siya po yung nagsabi nu’n (sa akin),” sabi ng aktres.
Matatandaang inakusahan noon ng mga JaDine fans si Issa na siyang dahilan ng breakup nina James at Nadine noong 2020.
Sa ngayon ay mukhang happy na rin si Nadine sa piling ng kanyang French businessman boyfriend na si Christophe Bariou.