Mukhang single na ngayon ang anak ng aktres na si Ina Raymundo na si Erika dahil may nagkumpirma nang hiwalay na nga ang dalaga sa BF nitong si Kobe Paras.
Ayon sa celebrity mom, hindi umubra ang long distance relationship pero ito ay parehong pinagdesisyunan nina Erika at Kobe.
“No, they’re not together,” sabi ni Ina. “Basta wala na, yun lang. Hindi nag-work. Long distance does not work.”
“It’s a mutual decision. They’re good, no bitterness, nothing,” dagdag niya.
Matatandaang nag-umpisa ang “dating rumors” ng dalawa noong June 2022 matapos ibandera ang sweet photos nila sa social media habang nagbabakasyon sa Bali, Indonesia.
Ngunit muli silang pinag-usapan makalipas ang tatlong buwan dahil agaw-pansin sa netizens na in-unfollow nila ang isa’t-isa sa Instagram.
Noong Setyembre ay binura na ni Kobe ang lahat ng posts niya sa Instagram at hindi na nga niya pina-follow si Erika.
Deleted rin sa IG account ni Erika ang mga litrato nila ni Kobe at wala na rin ang account ng basketball player sa mga pina-follow niya.
Si Erika ay ang panganay na anak ni Ina sa Canadian husband na si Brian Poturnak.
Habang si Kobe naman ay ang bunsong anak ng PBA legend at aktor na si Benjie Paras at dating aktres na si Jackie Forster.