Nakipagbonding ang aktres na si Kim Chiu nitong nakaraan sa kanyang mga kaibigan na sina Angelica Panganiban at Bela Padilla.
Sa IG ay ibinahagi ng dalaga ang isang video kung saan tila umakyat ng puno ng buko ang “It’s Showtime” host habang tsini-cheer siya nina Angelica at Bela na makakuha ng buko kahit isa lang.
Sa huli ay joke time lang pala dahil kasing laki lang halos ni Kim ang puno at si Direk Andoy Ranay pa ang kumuha ng video.
Sa hiwalay na IG post ay ipinakita naman ng TV host-actress ang masasayang larawan na kuha mula sa kanilang nakaraang bonding.
“Feeling lucky to call these two beautiful, strong women my friends!!! we may not see each other that much but when we do, magkaka six packs na kami sa kakatawa and tutubuan na kami ng additional dimples sa kakasmile!” saad ni Kim.
“Yes ganun po ka lala!!!! Had a great time with you momsy @iamangelicap @bela namiss ko ang bonding natin plus ang sarap patawanin ni pretty bean!!!” dagdag niya.
Base sa caption ng aktres ay sa bahay nila Angge at Gregg sila tumambay.
“thank you @gregg_homan as always and kay direk @andoyr1973 . Umuwi kami ni momsy bels ng busog ang tyan and heart!!!1 day felt like 5months!!! Ang saya!!!! next week ulit??? wahaha lels,” chika pa ni Kim.
Ipinost rin naman ni Bela ang larawan mula sa bonding time nila nina Kim at Angelica na may caption na “The invisible life”.
Matatandaang noong 2019 nang aminin ng “Chinita Princess” sa interview niya kay Tito Boy na nagsimula sa isang birthday party ng kanilang common friend nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.