Mukhang hawak na ngayon ng bombshell na si Angeli Khang ang titulong “Vivamax Queen” dahil missing in action umano ang kasabayan niyang si AJ Raval.
Mula nang bumida ang dalaga noong 2021 sa Vivamax Original Movie na “Taya” kasama si Sean de Guzman, nagsunud-sunod na ang projects niya sa naturang streaming app na pag-aari ni Boss Vic del Rosario.
Ilan sa mga hit Vivamax movies ni Angeli ay ang “Mahjong Nights”, “Eva”, “Pusoy”, “Virgin Forest”, “Silip sa Apoy”, “Girl Friday”, “Us x Her”, “Selina’s Gold”, “Bela Luna”, at ang 8-episode series na “Wag Mong Agawin ang Akin”.
Sila ni AJ ang talagang nagrereyna sa Vivamax dahil talagang kumikita ang kanilang mga pelikula. Ngunit bigla ngang natigil ang paggawa ng pelikula ni AJ nang sumabog ang tungkol sa relasyon nila ni Aljur Abrenica.
“It’s flattering but ayoko talagang ilagay sa ulo ko,” sabi ni Angeli. “I’m just happy and thankful sa tiwalang ibinibigay sa akin ng Viva at sa magaganda projects they assign to me. Kamukha nitong ‘Balik Taya’. First time kong nag-shooting sa abroad and it was so much fun.”
“Masaya kasi nakapag-bonding kami nang husto ng buong cast and crew, with Direk Roman Perez. We became one family and visited a lot of the tourist spots there like the floating market, the Buddhist temples, the Pat Pong red light district and we even got to ride on elephants, so it’s really a lot of fun,” dagdag niya.