Matapos ang kanyang revelation na siya ay gay, aminado ang aktres na si Klea Pineda na game pa rin naman siyang magkaroon ng kissing scene sa kanyang mga leading men kung kailangan sa eksena.
Ayon sa dalaga, willing pa rin siyang gumawa ng intimate scenes at makipaghalikan sa lalaki sa mga susunod niyang projects.
“Kaya ko pa naman makipag-kissing scene sa lalaki, hindi ko nililimit ‘yung sarili ko when it comes to my work,” saad ni Klea.
Kung matatandaan, marami ang na-shock nang mag-out na ang dalaga dahil ilang taon din niyang inilihim sa kanyang pamilya at sa mga kaibigan ang tunay niyang pagkatao kaya naman feel na feel niya ang pagka-come out at pagpapakatotoo.
Ayon kay Klea, naging mas makabuluhan ang kanyang birthday sa ginawa niyang pag-amin about her sexual preference.
“My 24th birthday is extra special since I finally mustered up the courage to come out to the world as my true authentic self. Masasabi ko na ito na ang pinakamatapang na desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko. I want the world to know that I am a proud member of the LGBTQIA+ community. I know not everyone will understand and appreciate this decision. But throughout the years, I’ve learned to prioritize the things that give joy and meaning to my life, and revealing my sexuality to the world is a huge part of it. By doing this, I hope to inspire and empower others who are still struggling to come into terms with their sexuality. Alam ko mahirap at nakakatakot, but please know na walang mali sa atin at walang kulang sa atin kahit pa magpakatotoo tayo,” sabi ni Klea.
“Marami man ang manghusga, mas marami pa rin ang tatanggap at magmamahal sa’yo nang buong-buo. Just be the person that your younger self would be proud of! My sexuality is just one aspect of my life and it won’t stop me from chasing after my dreams. I am still the same Klea that you loved and supported throughout the years. The only difference now is I can proudly say that I’m gay! From now on, I want to live my life fearlessly. Sana samahan nyo ako sa paggawa ng sarili kong kwento na alam kong tunay na magpapasaya sa akin. Let’s spread love and empowerment, everyone! And always remember, #LoveIsLove!” dagdag niya.