Proud na ipinakita ng aktres na si Yassi Pressman ang kanyang toned and fit body sa isang viral video na nai-post ng dalaga na umani naman ng pambabash sa ilang mga walang magawa sa buhay.
“Whatever shape you may have at the moment, you should be proud of yourself and your body. I’ve always been open as well about my journey with my body and I’ve shown you all my stages,” sabi ni Yassi.
“Just keep doing what you do,” advice pa niya sa kanyang followers.
Kasabay niyan ay inaalala pa niya ang mga panahon na naaapektuhan pa siya sa mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanya.
Pero ngayon daw ay tila wala na siyang pakielam basta’t nag-eenjoy siya sa kanyang mga ginagawa.
“Dati po kasi natatakot ako palagi to show how I really am, in fear of judgement o baka may masabi o maisip ang mga tao pero ngayon sinasabi ko, ‘eto ako, this is me, with all my flaws and imperfections, kayo na bahala, basta ako, i’m just being me’ and with my openness at least now, if they laugh, they laugh with me and not at me,” sabi ni Yassi.
Dagdag niya, wala namang mali kung nagsusuot ng swimsuit ang mga babae.
“Hindi naman po ako nagtanggal ng lahat ng damit, di ko naman po yun gagawin,” saad ng aktres. “Nakaswimsuit lang, baka lang po nagulat ‘yung mga tao kasi di naman po ako laging nagpopost ng ganun. Kadalasan po kasi ng mga TikTok videos ko puro kalokohan o funny voice overs.”
“I’m 27 years old now, and I’m proud of my body…of what I have been through. I try to make women more aware of our diversity and hopefully make us all a little bit less self-conscious,” dagdag niya.