Aminado ang aktres na si Mikee Quintos na nakaramdam siya ng awkwardness sa pagiging flirty onscreen sa malapit n’yang kaibigan na si Ruru Madrid.
Kung matatandaan, naging close kasi sila ng aktor mula nang gumanap sila bilang mag-ama sa pantaseryeng Encantadia noong 2016).
Dito, umamin si Mikee na medyo naasiwa s’ya noong una sa thought na love interest n’ya sa serye si Ruru. Tinutukso pa daw kasi sila ng writer ng show na si Mark Anthony Norella.
“Awkward nu’ng una. Tapos lagi pa kaming inaasar ni Sir Mark, ‘Uy, may kissing scene kayo, ah.’ ‘Huh?’” pagbabalik-tanaw ni Mikee.
“Parang ang hirap, ewan. Tingnan n’yo ang mukha n’ya [Ruru] pati ang mukha ni Bianca [Umali]. Hahaha!” pagbibiro pa n’ya sa seryosong facial expression ng magkasintahan sa ikinuwento n’ya.
Ganu’n pa man, nagtiwala lang daw sila sa kanilang pagkakaibigan kaya’t naitatawid nila ang kanilang mga eksena nang walang selosan. Co-actors din kasi nila ang kani-kanilang respective special someone na sina Bianca at Paul Salas.
“Pero our friendship is also the reason why we’re braver on set, I think,” she said.
Seryoso nga daw silang lahat sa set para mapaganda nila ang kanilang serye.
“’Yon naman, usually kung iisipin n’yo pag magkakaibigan relax, masyado nang enjoy, hindi na seseryosohin ang trabaho,” sabi ni Mikee.
“With this ensemble, crew, the people we’re with, ramdam mo kasi pag umapak ka sa set ’yong passion ng lahat, e, ng bawat isa. And everyone is doing their part,” dagdag niya.