May matatawag palang past ang beauty queen-actress na si Kylie Verzosa at ang aktor na si Marco Gumabao batay na rin sa naging sagot ng dalaga sa panayam ng King of Talk na si Boy Abunda kamakailan.
Ayon sa dalaga, sinubukan nila na maging sila ngunit hindi nag-work out.
“Siguro, a long time before Jake, long way before Jake — mga two years ago. We tried. We tried it out, but we were…bata pa kami nun eh,” saad ni Kylie.
Gayunpaman ay nanatili raw silang mabuting magkaibigan.
“But we remained very good friends. Happy ako sa lahat ng mga pinagdaanan niya sa buhay niya. I’ve seen him grow as an actor, as a person. Nagka-catch up pa rin kami. So yeah, we remain very good friends,” sabi ng dalaga.
Nabanggit din ni Kylie sa interview na hindi pa sila nakakapag-usap ni Jake matapos ang isang taong hiwalay.
“I know it’s been a long time pero siguro in time. Only time will tell kung we’re able to already see each other in a very friends setting,” sagot niya. “Ayoko siyang pilitin pero darating ang panahon when we’ll meet each other and maybe, who knows? Time will only tell.”
Matatandaang Abril noong nakaraang taon nang kumpirmahin ni Jake na hiwalay na sila ni Kylie matapos ang tatlong taong relasyon.
Nilinaw naman ng aktor na maganda naman ang kanilang paghihiwalay at wala silang galit sa isa’t-isa.