Matapos ibasura ng Korte Suprema ang mga kasong acts of lasciviousness at rape laban sa aktor na si Vhong Navarro, may mga kumalat na cryptic post ang British-Filipino model na si Kat Alano.
“So you gotta have frieeeends… Friends in all the right places, even when you’re wrong,” saad ni Kat sa kanyang post.
Matatandaang noong June 2020 rin ay nagsalita ang model-actress hinggil sa diumano’y panggagahasa ng “still famous celebrity” na ang pangalan ay “rhymes with wrong”.
Sinabi pa ni Kat noon na sa kabila ng kanyang simpleng kasuotan na t-shirt at jeans ay nangyari pa rin ang insident.
Dagdag pa niya, gumawa raw ng “smear campaigns” ang naturang celebrity na nang-rape sa kanya upang sirain ang kanyang karera.
Ngunit nitong Setyembre 2022 ay sinabi niyang nakamit na niya ang matagal nang hinahangad na hustisya kasabay ng pagkakakulong ni Vhong.
“I can finally feel peace today. God is good all the time. Justice, finally after 17 years,” lahad ni Kat.
Dagdag pa niya sa hiwalay na tweet, “After 17 years…Finally a glimpse of justice. People still thinking it’s all about money and attention. What if you were fed lies by the people who had power, and you ACTUALLY condemned the victim? Think about what you did to her if that was the truth.”
Ngunit nitong Disyembre ay nakaramdam ng pagka-“broken and defeated” matapos mabalitang pinayagan ang petisyon ni Vhong na magpiyansa ng P1-million sa kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo at pansamantalang makalaya.