Aminado ang aktres at beauty queen na si Megan Young na nagkakaroon rin sila nang hindi pagkakaunawaan ng kanyang asawang si Mikael Daez at paminsan rin ay nag-aaway at nagkakatampuhan din sila ng kanyang husband kahit na sa maliliit na bagay lang.
Sa kanyang bagong TikTok video, mapapanood ang nakakaloka at nakakatawan eksena nila ni Mikael sa kanilang bahay nang minsang magkaroon sila ng issue.
“My husband and I had a fight…And this is what he looks like when he doesn’t want to talk to me,” saad ni Megan.
Kasunod nito, ipinakita niya ang asawa habang nakadapa sa sahig ng kanilang kuwarto. Itinago pa ng aktor ang kanyang mukha sa gilid ng mattress ng kanilang kama.
Sa caption na inilagay ni Megan sa kanyang TikTok video, sinabi niyang palagi nilang sinasabing mag-asawa na “communication is key” sa kanilang pagsasama, “But this time, Fofo just needed some space.”
Patuloy pang pahayag ng Kapuso actress, “Nainis talaga siya at ayaw niya ako tignan!!! A first for Fofo!!! Kaya ko to na video kasi bago nito, nahuli ko siya na kunwaring natutulog akala ko mahuhuli ko ulit hahahaha ayun, tinalikuran niya muna ako! Pero bati na kami hehehe nag usap na kami pagkatapos niyang ‘magising,’” saad ni Megan.
Ikinasal sina Megan ay Mikael noong 2020 after being together for more than 10 years. Wala pa silang baby ngayon pero umaasa sila na darating din ito sa tamang panahon.