Nitong nakaraan ay inakusahan ang aktres na si Bela Padilla na nagtaray umano siya sa nagdaang concert ni Harry Styles sa Bulacan na dinaluhan niya nitong nakaraang Martes.
May isang netizen kasi na nag-tweet ng kanyang pagkakadismaya kay Bela dahil raw nagsungit ito at inirapan sila at hindi rin daw sila pinayagang magkaibigan na magpa-picture sa kanya.
“Super nakaka-disappoint si Bela kagabi. She was such a c*nt,” tweet ng netizen na ngayon ay burado na.
“Bago pa kami magpa-picture POLITELY AND WE WERE SO HAPPY TO SEE HER TOO), bago pa kami lumapit sa kanya nakatayo lang kami ng friend ko sa gilid niya, pinapanood kung paano siya mang-irap at mairita sa mga nag-approach sa kanya,” saad niya sa hiwalay pang tweet.
Ibinahagi naman ni Bela ang screenshot ng mga tweets ng netizen at nilinaw na walang katotohanan ang mga sinasabi nito.
“Pangit mo kabonding. Wala akong inirapan, kahit isa, imbento. Isa ka sa isang libong ‘di napagbigyan [na magpa-picture],” saad ng dalaga. “If I didn’t TYWK (treat you with kindness), it was probably because you shoved your phone in my face.”
Sa mga sumunod niyang tweets ay ipinaliwanag niya na marahil ay nagkataong pagod na siya nang in-approach siya ng netizen.
“I gave away tickets because I didn’t think I’d be here. Luckily I had to extend. I went there at 3 pm cause I drove myself, a friend and a fan. Took photos with guards, fans, vendors since 3. If you caught me at 6 onwards, I was tired. I’m a fan wanting to dance too and I did,” sabi ni Bela.
“Now, if you asked me to take a photo while I was clearly talking to my 4 friends that I met there, I would’ve replied “sorry were talking, let’s take it later.” The people around me can attest to that, any thing you add on, will be mostly fabricated. I went to a concert, PERIOD,” dagdag niya.
Nilinaw rin ng aktres na noong tinanong siya ng mga ito kung pwede magpa-picture ay may karapatan siyang magsabi ng “no”.
Matapos ang palitan ng tweets ay nagkapatawaran na rin ang dalawa at binura ang mga tweets laban sa isa’t isa.