Hanggang ngayon ay nakakaranas pa rin ng bashing ang aktres na si Liza Soberano matapos ang kanyang mga naging pahayag kasama na ang mga pahaging niya sa ABS-CBN at sa dati niyang talent manager na si Ogie Diaz.
Marami nang nagsalita at nakisawsaw sa mga kontrobersyal na pahayag ni Liza sa kanyang “This Is Me” vlog pati na sa naging panayam niya sa “Fast Talk With Boy Abunda” at sa vlog ni Bea Alonzo.
At habang patuloy ngang nagpapa-interview ang girlfriend ni Enrique Gil ay hindi rin natatapos ang pamba-bash at pangnenega sa kanya ng mga netizens pati na ng mga taong nakatrabaho niya noon.
Pero paliwanag ng dalaga, hindi totoong 40% ang kinukuhang komisyon sa kanya ni Ogie, “I started with him at 12 (years old) and about 2015-2016 when I was 17, 30% po iyong komisyon niya sa akin, my tita Joni (pinsan ng tatay niya) was taking 20% and Star Magic was taking 10%.”
Ang natitira na lang sa dalaga ay 30% dahil nagbabayad pa siya ng US at Philippine tax dahil nga US and Filipino citizien siya.
“My tita Joni started feeling bad for me for that situation, so, nag-usap po sila ni tito Ogie na bawasan na lang ‘yung commissions nila for me because they felt I deserved more since I was putting in a lot of work. Eventually naging 20% na lang po si tito Ogie, and si tita Joni naging 15% tapos ang bawas niya after tito Ogie’s take his commission and Star Magic was still 10%. Pero ang Star Magic hindi kumukuha ng komisyon if it’s money coming from ABS-CBN. Sa movies, hindi po sila kumukha ng komisyon it’s from endorsements,” sabi ng aktres.
Samantala, natanong din sa aktres ang tungkol sa desisyon niyang iwan ang career niya sa Pilipinas para sa kanyang Hollywood dream.
“At least I tried. At least wala akong regrets pagtanda ko na hindi ko man lang sinubukan ito, na ‘I didn’t give my all, I didn’t give myself the chance to discover what it is that makes me happy, what I find fulfillment in,’” sabi ni Liza.