Mukhang naging trending na naman ang aktres na si AJ Raval nang magpost ang dalaga sa kanyang social media kamakailan dahil talaga namang sexy ang dating ng aktres.
Talagang swagger ang peg ni AJ sa nasabing video clip gamit ang sikat na kantang “Beauty and the Beat” ng award-winning international artist na si Justin Bieber.
Ayon sa mga followers niya sa TikTok, fresh na fresh pa rin si AJ, da katunayan tinawag pa siya ng kanyang supporters na “Hailey Bieber” ng Pilipinas.
Komento pa nga ng ilang netizens, magaling daw palang mag-alaga ng dyowa si Aljur at sana raw ay talagang mapanindigan nila ang kanilang relasyon hanggang sa ending.
Pero siyempre, may mga nambasag pa rin sa celebrity couple na nagsabing hindi rin magtatagal ay maghihiway din ang magdyowa at matutulad din daw si AJ sa estranged wife ni Aljur na si Kylie Padilla.
Bukod dito, nag-joke, joke, joke rin ang ilang bashers at nagpatutsada kay AJ na parang hindi raw siya nanganak dahil sa taglay pa rin niyang kaseksihan, base na rin sa kanyang mga video at photos sa social media.
Ilang beses nang dinenay ni AJ na buntis siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Aljur kung may anak na nga ba sila ng aktres.
Pero inamin naman niya na maligayang-maligaya siya ngayon sa piling ni AJ Raval at okay na okay na rin daw sila ni Kylie lalo na ang co-parenting agreement nila para sa dalawa nilang anak na sina Alas at Axl.