Aminado ang singer na si Lyca Gairanod na nagsimula pala ang love story nila ng kanyang boyfriend na si Kyle Walle sa TikTok.
Kung matatandaan, ipinakilala ni Lyca si Kyle sa madlang pipol sa kanyang 18th birthday celebration noong November, 2022 na ginanap sa Cavite.
Ang binata, na isang miyembro ng banda, ang naging escort ng unang “The Voice Kids” champion sa kanyag debut party. One year na silang magkarelasyon ngayon.
“Hindi niya po ako kilala as an artist,” sabi ni Lyca.
Nagpakatotoo naman ang dalaga na siya ang gumawa ng first move nang mag-comment siya sa post ng musician.
“Nakita ko po siya sa TikTok, parang dumaan lang po siya sa FYP ko, alam mo yung mga scroll-scroll lang,” saad ng dalaga. Ang FYP o “For Your Page” ay ang lumalabas na recommended content sa TikTok account ng isang user.
“And then, parang may quotes po siya doon na naiintindihan ko naman po kung bakit, so nag-comment po ako doon na parang sad,” dagdag pa niya.
After that, nagsimula na nga silang magpalitan ng mensahe hanggang sa lumalim na ang nararamdaman nila para sa isa’t isa.
“Bago daw po siya manligaw, gusto daw po niyang makita ako in person, and then ma-meet yung family ko,” sabi ng dalaga.
Unang BF ni Lyca si Kyle pero pumayag din daw siya sa long-distance relationship (LDR) matapos magtungo ang binata sa Amerika.