Diretsahang sinagot ng aktres na si Arra San Agustin ang tanong kung niligawan ba siya noon ni David Licauco.
Ayon sa dalaga, matagal na silang magkakilala ng aktor dahil naging kaklase niya noong college ang pinsan nito.
“Si David po kasi, since college, kilala ko na po s’ya. ‘Yong cousin n’ya naging classmate ko rin sa La Salle,” sabi ni Arra. “Nung college, parang nagkaroon lang ng time na… Nagkaroon lang ng time na parang nag-usap lang kami for a while. Sobrang bilis lang po tapos nawala lang rin. Nu’ng college ang daming distractions masyado, e. Ang dami naming ginagawa.”
“Nagparamdam po nang very slight lang,” sabi pa ng aktres.
Pero paglilinaw niya, hanggang doon lang daw ‘yon at hindi na sila nauwi sa pagiging magkasintahan.
Sa ngayon ay kapwa single pala sina David at Arra dahil sa mismong show ay inamin ng aktres na hiwalay na sila ng PBA player ba si Juami Tiongson.
“We broke up last year, around October. Ang last talk namin ay first week ng January, that’s when we really cleared things out. ‘Di ba, pag nagbi-break naman kayo, minsan you go back and forth pa rin,” sabi ni Arra.