Ibang karakter naman ngayon ang gagampanan ng international actress na si Jenna Ortega na sumikat sa karakter niyang si Wednesday Addams at talagang malayo umano sa bago niyang horror film ang kanyang ginagampanan.
Bida kasi ngayon ang aktres sa horror film na “Scream VI” na ipinapalabas na sa mga lokal na sinehan.
At ayon mismo kay Jenna, kakaiba ang kanyang karakter niya rito dahil siya ay naging iyakin at sensitibo.
Ang gagampanan ng aktres sa nasabing horror film ay bilang si “Tara Carpenter,” ang half-sister ni Sam na kabilang sa mga survivor.
“It’s been really fun exploring her more in this film because I feel like I’m pulling out different traits,” saad ng aktres.
“I love that she’s more in touch with her feminine side and is a bit more sensitive. It’s very easy to make her cry and get under her skin. It’s also easy for her to grow unbelievably frustrated. Her older sister, Sam, is this stoic, strong, badass girl, which is also wonderful because we get to play off of each other,” dagdag niya.
Ang official trailer ng “Scream VI” ay puno ng mga nakakagulat na eksena na kung saan ay mapapanood ang mas agresibong pag-atake ng kontrabida na si “Ghostface” sa mga target na suspek.
Ilan sa mga makakasama ni Jenna sa horror film ay sina Melissa Barrera, Jasmin Savoy Brown, Mason Gooding, Hayden Panettiere, Courteney Cox at marami pang iba.