Malakas ang ugong ng mga balita ngayon na nagkakamabutihan na umano ang aktres na si Cristine Reyes at aktor na si Marco Gumabao dahil nakitang magkasama at sweet na sweet daw ang dalawa habang nagbabakasyon sa Siargao.
Kaya naman ang paniwala ng kanilang mga fans, may something nang namamagitan sa kanila dahil bukod sa namataang magkasamang nag-scuva diving sina Marco at Cristine sa isang lugar sa Siargao ay naispatan din sila na namimili ng mga gamit para sa kanilang mga alagang aso.
Ayon naman kay Marco, wala pa namang namamagitan sa kanila.
“Kami ni Cristine, we’ve worked together since 2016 actually first teleserye ko, it was ‘Tubig at Langis’ and I can say that we have formed a good relationship and solid friendship throughout the years,” saad ni Marco.
“Recently, we’ve been very, very close, we’ve been working out together and hanging out a lot. Cristine is a very honorable person, click kami in terms of mga trip namin sa buhay, ugali namin, nagko-complement kami with each other,” sabi pa ng binata.