Aminado ang TV personality at Sawsawera Queen na si RR Enriquez na naloka siya nang makatanggap siya ng offer sa kanyang Facebook page mula sa isang pamilyadong lalaki at sa kanyang IG ay ibinahagi niya ang series of screenshots mula sa kanyang Facebook page.
Maging ang mga kaanak ni RR ay tila nawindang rin sa natanggap niyang offer base na rin sa mga ibinahagi rin niyang screenshots ng pag-uusap nila sa kanilang group chat.
Isang married man lang naman ang nag-offer na bilhin ang isa hanggang dalawang pares ng kanyang underwear sa halagang P50,000.
“Anyway RR, I hope you are openminded with this kind of offer. Actually I just wanted to ask lang if you’re open on selling your undies for atleast P50k 1-2 pairs. If ok with you? Please let me know. I will pay first for your assurance,” saad ng netizen.
Nag-send pa nga ito ng screenshots bilang pruweba na hindi siya nang-i-scam.
“Please don’t post me lang RR if dver you find this weird… I understand naman if ever you decline,” sabi pa nito.
Siyempre, hindi lubos maisip ni RR kung ano ang kanyang magiging reaksyon.
“As a Sawsawera Queen this is the most weirdest message I’ve ever received na Sasawsawan ko. I feel sorry for the wife kaya hindi ko na lang ipupost ang name and picture,” sabi ni RR.
“I have a Facebook fan page and my Sisters are the one handling it.”
Aniya, ang mga kapatid niyang babae ang nagha-handle ng kanyang Facebook page at sinend nga nito ang screenshot ng weird offer sa TV personality.
“So today they told me and send in our Family group chat that someone sent a message nga daw sa fan page ko and wants to buy my undies for 50thousand pesos for 1-2pairs. He also sent proof na may mga nagbibenta na din sa kanya ng undies na mga models etc,” pagpapatuloy pa ni RR.
Mukhang ini-stalk rin ng kanilang pamilya ang profile ng lalaki at nalaman nilang may pamilya ito.
“Grabe he has a wife and profile picture nya pa yung asawa nya. I felt so bad para sa asawa nya… Imagine the betrayal or unfaithfulness,” malungkot na sabi ni RR.
Muli niyang pinaalala na hindi niya ibinibenta ang kanyang mga undies at pinaalalahanan ang mga kababaihan na matiyagan ang mga mister.