Inihayag ng Philippine Army nitong Huwebes na inilunsad nila ng isang proyekto na makapagtanim ng isang milyong puno hanggang 2028.
Tig-126 halaman ang itinanim sa mga kampo ng major units ng Philippine Army sa buong bansa bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-126 taon ng Philippine Army.
Masusundan pa ito ng pagtatanim sa mga kalapit na komunidad at ahensya para makamit ang target.
“Ito pong project natin is just a launching and at the onset of rainy season, we will continue planting until we reach 1 million fruit-bearing trees,” saad ni Col. Victor Llapitan, assistant chief of assistant for civil-military operation.
Binigyang diin ni Army chief of staff Gen. Potenciano Camba ang kahalagahang protektahan ang kapaligiran, kasabay ng pagtiyak ng food security.
Pangunahing pakikinabangan ng mga sundalo ang bungang prutas ng mga puno, pero ibabahagi rin umano ito sa mga komunidad.
“There is no place like home therefore we must safeguard, protect, and preserve our environment to make it a better home and a better place. We shall continue to have this inspiration of serving our people by protecting and preserving our environment,” saad ni Camba.
Katuwang ng Philippine Army ang Department of Agriculture, iba pang ahensya ng pamahalaan, at pribadong sektor sa naturang proyekto.