Inihayag ng aktor na si Rayver Cruz na si Julie Anne San Jose na ang babaeng masasabi niyang “the one” in the form of Julie Anne San Jose kahit pa umano hindi pa daw sila opisyal na magkasintahan.
Ayon kay Rayver, noon pa man daw ay ipinapakita na niya sa lahat sweet na siya kay Julie dahil espesyal talaga ang singer-actress sa kanya.
“Very showy naman talaga ako kung paano ako sa kanya, e, ever since, nu’ng close pa lang kami up to now,” sabi ni Rayver. “Alam naman ng lahat kung gaano kaespesyal sa akin ’yong tao. Hindi ko naman itinatago pagka very sweet ako sa kanya o malambing ako sa kanya.”
Paglilinaw niya, hindi pa niya opisyal na girlfriend si Julie dahil naghihintay pa rin daw sila ng basbas mula sa mga magulang nito.
“Hindi pa kasi official na official. Kasi s’yempre… may mga kino-consider pa naman tayo like sina tito and tita, mga magulang ni Julie,” sabi ni Rayver.
Ganu’n pa man, ramdam niya daw na itinatangi rin siya ng aktres gaya ng pagtatangi niya rito.
“Masasabi ko na deeper level ’yong samahan namin and may understanding kami,” saad ng binata.
Tiniyak din niya na hindi daw nila itatago ang relasyon nila sakaling maging opisyal na silang magkasintahan.
Sa ngayon, ang masasabi lang daw niya si Julie na ang babaeng para sa kanya.
“Yes, for me, she’s the one,” sabi ni Rayver.