Aminado ang sexy actress na si Ava Mendez na nais niyang masubukang maging isang “dominatrix” o ’yong maging dominante sa Bondage and Discipline, Dominance and Submission, Sadochism and Masochism o BDSM activities.
Ito rin kasi ang kanyang karakter sa pinakabagong offer ng Vivamax na sexy-thriller movie na DOMME at talaga namang kakaiba at palaban ang role niyang ito kumpara sa mga naging roles niya in her previous projects.
Ayon kay Ava, wala pa siyang experience na siya ang dominate sa bed pero willing naman daw siyang masubukan kung sakali.
“Kung meron siguro akong mami-meet na papayag, siguro why not?”sabi ng dalaga. “I’m open with that pero base sa lahat ng mga [na-experience] ko hindi ko pa siya na-try. Kung meron, why not, ’di ba? Para may bago. Pero wala pa ako nae-encounter.”
Ayon pa sa kanya, masaya siya dahil maganda at nakaka-intriga ang role niya para sa bago niyang pelikula na launching movie na rin niya.
“Sobrang saya ko kasi this time napagbigyan po ako, nabigyan ako ng launching movie so excited ako para dito,” saad ni Ava.
Dadgag niya, napa-research nga daw siya tungkol dito nang i-offer sa kanya ang project at napatunayan naman daw niya na nangyayari talaga ang ganu’ng activities in real life. Iyong tipong Fifty Shades of Grey pero babae ang dominante sa role playing.
“Ang ginawa ko po kasi nag-research din ako. Before na sinabi sa akin ito ni Direk, ’yong concept… Nag-research ako nang sarili ko,” sabi ni Ava. “After ko binasa ’yong script may mga hineadline ako. Meron doon na hindi ako curious. And then, based on my research meron talaga na ganito, na sexual activity na ganito.”