Hindi inaalintana ng Vivamax vixen na si Millen Gal ang mga bashers niya lalo na kapag binabastos na sila ng mga friends niya dahil sa kanilang propesyon bilang sexy actresses.
Ayon sa dalaga, suportado umano siya kanyang pamilya, lalo na ng mommy niyang si Lara Morena na sumabak rin before sa pagpapa-sexy noong kabataan nito.
“My mom did it din noong 90s, si Lara Morena. So, full support siya sa akin. My dad naman, he’s conservative. But dahil nasa edad na ako, sabi niya, ‘Alam mo naman kung anong ginagawa mo kaya go lang,” sabi ni Millen.
Dagdag pa niya, talagang palaban siya pagdating sa mga bashers lalo na kapag bastos na ang mga ito.
“There’s this one Instagram account and lahat, hindi lang ako, mga iba pang Viva stars, mahilig siya mag-comment na, ‘Marunong lang kayo magpahimas ng suso.’ Ganito, ganyan,” sabi ni Millen.
Kaya naman kung aatake daw ang basher na ito sa IG accounts ng celebrity friends niya ay siya daw mismo ang umaaktong first line of defense for them.
“Pag nagko-comment siya sa mga [posts ng] friends ko nire-reply-an ko. Ako ’yong sumasagot…na wala siyang buhay, na he/she doesn’t have anything better to do with his/her time. And they have no clue what we go through in this professional setting,” dagdag pa niya.
Siya naman daw ang inatake nito at pabalang umano ang nagiging reply niya dito.