Maraming mga rebelasyon ang isiniwalat ng aktres na si Liza Soberano matapos siyang mabatikos dahil sa kanyang mga naunang pahayag sa social media na may kaugnayan sa kanyang career.
Maraming tanong ang sinagot si Liza na hindi pa niya nabanggit sa kanyang “This is Me” vlog kaya mas marami pang rebelasyon na nalaman ang kanyang mga fans.
Isa sa tinanong ay kung naapektuhan si Liza sa sinasabi ng netizens na downgraded siya nang magpalit siya ng talent management.
Ang kilalang talent manager-host-content creator at businessman na si Ogie Diaz ang dating may hawak kay Liza at pagkalipas ng ilang taon ay lumipat ang aktres sa Careless management company ng singer-actor na si James Reid.
“Yes. People don’t think that my new management is taking care of me or they just say that parang pinabayaan ko na ‘yung career ko or they don’t know what they’re doing. Which is probably true like Careless is a new one upcoming company but it doesn’t mean that they’re not taking care of me. They’re probably don’t know how showbiz is supposed to be or how to handle talent like me because they’re never experienced it, but there’s no harm in trying to learn the process but one thing is for sure, they do take care of me,” sabi ni Liza.
Kinlaro rin ni Liza na kahit pangarap niyang pasukin ang Hollywood ay hindi nangangahulungang iiwan na niya ang karera niya sa Pilipinas, nagkataon lang na mas dapat siyang manatili sa Amerika dahil hindi pa siya kilala roon kaya mas dapat siyang mag-effort.
“I can’t do that if I’m maintaining a career here but I still want to keep in touch with my fan base here and siguro kaya I’m doing this with you (interview) because this is a way of letting the fans know that I’m still here and care about them and I still care like about my career here in the Philippines, iba lang ang focus ngayon,” saad ng dalaga.
At ang matagal nang kuwestiyonable sa samahang Liza at James na laging magkasama simula nang lumipat ang dalaga sa management company ng huli ay, “Did you ever have a thing?”
“No! Why do I’m so nervous though. Ha-hahaha! I’m so nervous about questions like that,” saad ni Liza.