Talagang mission accomplished ang aktres na si Anne Crutis lalo ngayong mayroon siyang bagong milestone dahil natapos niya ang sinalihang Tokyo Marathon nitong March 5.
Magugunitang sumali si Anne sa marathon for a good cause na kung saan ay naglunsad pa siya ng fundraising campaign para matulungan ang mga batang biktima ng pang-aabuso at karahasan.
Sa Instagram, ibinandera ni Anne ang nakuha niyang medalya bilang finisher ng nasabing marathon, pati na rin ang video na kung saan ay chini-cheer siya ng ilang Pinoy sa tuwing siya ay dadaan.
Kalakip niyan ang isang mahabang mensahe na kung saan ay naging emosyonal pa ang aktres.
“Officially a @tokyomarathon finisher. Every single kilometre was worth it, knowing I was running to help Filipino children heal and recover through the funds WE (yes, this includes every single one of you that donated) raised together,” sabi ni Anne sa caption.
“Being a mother, now as well, I couldn’t help but get emotional when I crossed that finish line. It just hit a little differently this time around. Running with a purpose bigger than just receiving a medal kept me fueled.”
Sinabi niya rin na kinikilig siya dahil malapit nang maabot ang kanyang P1 million target sa isinasagawang fundraising campaign.
“Right now, we have gone beyond our target in just 2 weeks… and as long as you keep donating for the next 30 days, I will match whatever the final amount ends up being. So we can help more children receive the services they need,” saad ng aktres.
Bukod diyan ay pinasalamatan din niya ang mga Pinoy na pinapalakpakan siya sa tuwing siya ay dadaan dahil ito raw ang isa sa naging motivation niya upang lalong ganahan sa kanyang goal.
“Maraming Salamat to all the kababayans who would cheer when I would pass them! As in sobrang laking tulong when it would get tough,” sey ni Anne.
Siyempre, binanggit niya na all out support din ang kanyang pamilya – ang mister niya na si Erwan Heussaff at anak na si Baby Dahlia.
Saad ng aktres, “And of course, my love and light @erwan and Dahlia Amélie. Your hugs and kisses last night before sleeping were everything to me and helped start this whole day full of love.”
“Another marathon done and dedicated to the Filipino Youth. Thank you Lord for giving me this opportunity. Congratulations to all the runners!!!! Arigato Gozaimasu Tokyo! More piccies and vids coming soon!”