Nilinaw ng aktres na si Bela Padilla na nagtayo siya ng sariling film company sa United Kingdom, pero umuuwi pa siya sa Pilipinas upang makapag-shoot.
Nitong nakaraan kasi ay may mga umugong na balita na tuluyan na niyang iniwan ang Pilipinas, kaya nilinaw ng dalaga na kahit naninirahan na siya sa London ay patuloy pa rin siyang babalik dito sa ating bansa dahil mas gusto pa rin niyang makatrabaho ang kanyang mga kakilala sa entertainment industry.
“Right now, I’m based in London. I associate myself with living in London. Pero siyempre, dahil isa akong artista, nag-uumpisa na ako ngayon magdirek ng pelikula, I built my own production house. I have a film company in the UK,” sabi ni Bela sa isang panayam.
“I still love working with people I know…So yeah, umuuwi ako rito pag kailangan ko mag-shoot ng pelikula,” dagdag pa niya.
Paliwanag pa niya, ang epekto ng pandemya ang dahilan kaya naisipan niyang pumunta sa ibang bansa para makasama ang kanyang pamilya.
“But right now, siguro dahil nag-pandemic, lahat tayo naghanap ng lugar sa mundo kung saan tayo pinakakumportable, kung saan tayo ‘at home’. And nung pandemic, I didn’t feel that anymore in the Philippines. So, I felt like I have to leave. Parang ‘yun lang. Wala siyang big explanation. Wala siyang big meaning or deep meaning na parang aalis na ako, iiwan ko na kayo. Wala. Wala akong pinag-isipan na ganun,” sabi ni Bela.
Matatandaang taong 2021 nang ibinalita ni Bela na siya ay mananatili na muna sa UK.
Paliwanag niya sa dating YouTube vlog, “I didn’t move just to be with Norman although it does make it so much easier to be in London.”
Patuloy pa niyang paglilinaw, “There are many reasons why I moved here. One of them is because I feel like the world stopped during pandemic and I have been looking for something new to do in my life.”
“I feel like at this point, I will be more productive here. It just makes more sense for me to live here,” dagdag paliwanag pa ni Bela.