Namatay ang gobernador ng Negros Oriental na si Roel Degamo Sabado ng umaga matapos sumugod sa kanyang bahay sa bayan ng Pamplona ang ilang armadong kalalakihan at pagbabarilin ang mga tao na nasa loob ng compound.
Ayon sa pamilya ni Degamo, namatay ang gobernador bandang 11:41 ng umaga.
Humihingi naman ng hustisya ang pamilya ni Degamo kabilang na ang asawang si Pamplona Mayor Janice Degamo.
Sa paunang ulat, anim na katao umano na naka-uniporme ang pumasok sa compound ni Degamo at nagsimulang mamamaril. Nang mga oras na iyong ay namimigay ng ayuda ang gobernador para sa mga benipisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sabi ng Philippine National Police, nangyari ang insidente 9:50 ng umaga.
Samantala, iniulat ng PNP na nadiskubre nito ang tatlong getaway vehicles na ginamit ng mga suspek na isang Mitsubishi Pajero, isang Isuzu pickup at isang Mitsubishi Montero na inabandona sa Barangay Kansumalig, Bayawan City.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang manhunt operations sa mga suspek at nagtalaga na rin ng task force upang imbestigahan ang insidente.
“The Police Regional Office 7 was already directed to immediately conduct a region-wide hot pursuit operation to arrest the perpetrators and the mastermind of this treacherous attack. All available resources of the PNP will be used to arrest those who are involved in this incident,” saad ng PNP sa isang pahayag.
“The PNP will not stop until all these suspects are arrested and put behind bars, [restoring normalcy to] the peace and order situation in the Province of Negros Oriental. The PNP will solve this case just like other heinous and sensational cases before,” dagdag nito.
Kinondena naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpatay kay Degamo at ayon sa kanya, bibilisan ng kapulisan ang pag-iimbestiga sa kaso.
“I condemn in the strongest possible terms the assassination of a sitting Governor, Governor Roel Degamo of Negros Oriental,” saad ng Pangulo sa isang Facebook post.
“The investigation into this murder is developing rapidly. We have received much information and now have a clear direction on how to proceed to bring to justice those behind this killing,” dagdag niya.
Nagbabala rin ang Pangulo sa mga taong posibleng nasa likod ng pamamaslang.
“I am warning all those involved in this killing: you can run but you cannot hide. We will find you. If you surrender now it will be your best option,” sabi ng Pangulo.