Nagbabala ang aktres at singer na si KC Concepcion sa publiko patungkol sa kumakalat niyang posers online at nitong March 1 ay nagpost ang dalaga sa kanyang IG upang ipaalam sa kanyang mga fans and followers na may pekeng account na nagpapanggap bilang siya.
“I hear there are impostors going around pretending to be me, via ‘private’ social media/email/phone accounts. THAT IS NOT ME, reaching out to fans and followers on social media ‘IN PRIVATE’ via unofficial accounts,” saad ni KC.
“Please do not engage in conversation with any posers or those pretending to be me. There is only one!” dagdag pa niya.
Ipinangako rin ni KC sa kanyang mga tagasubaybay na magsasabi siya sa madlang pipol kung magkakaroon man siya ng iba o bagong account bukod sa kanyang existing social media pages.
“For now, stay vigilant and especially be careful not to provide personal information to non-official KC accounts/handles!” paaalala niyang muli.
Nag-post rin ang aktres sa kanyang Instagram story ng screenshot ng account na @kristinaconcepcion_private na nagpapanggap bilang siya.
“This is NOT me. To the 29 — Please UNFOLLOW. Thanks,” sabi ni KC.
Kamakailan ay nakipag-bonding ang dalaga kasama ang kanyang ama na si Gabby Concepcion sa Batangas.