Hindi maikakailang mahal na mahal ng aktor na si Ruru Madrid ang kanyang girlfriend na si Bianca Umali at sa kanyang IG ay ibinahagi ng aktor ang kanilang larawan ng dalaga bilang pagbati sa kanyang ika-23rd birthday.
“Araw-araw ipagpapasalamat ko sa Panginoon na ikaw ang binigay niya sa akin. Araw-araw pipiliin kong mabuhay dahil ikaw ang makakasama ko. Araw-araw di ako magsasawang sabihin sayo kung gaano ako kapalad na ikaw ay sa akin, at ako ay sa iyo,” saad ni Ruru.
Nitong Huwebes, March 2, ang kaarawan ng Kapuso actress.
“Araw-araw ipaparamdam ko sayo kung gaano ka kahalaga sa akin. Araw-araw kita ipagmamalaki sa lahat ng tao dahil sa husay at galing mo. Araw-araw ita-trato kita bilang Reyna ng buhay ko. Araw-araw sasabihin ko sayo na Mahal kita. Maligayang kaarawan, Mahal ko [heart emoji],” saad pa ng binata.
Nag-reply naman si Bianca sa post ng kasintahan.
“Mahal na mahal kita mahal ko [heart emoji],” sabi ni Bianca.
Marami naman sa mga celebrity friends nina Ruru at Bianca ang nagpaabot ng pagbati para sa dalaga.
Matatandaang noong August 2021 nang amini ni Ruru na nasa “dating” stage na sila ng dalaga.
Nitong Nobyembre 2022 ay na-interview ang aktor sa “The Boobay and Tekla Show” at nabanggit nitong sana si Bianca na ang “the one” for him.
“Sa totoo lang, sana siya na. Sana. Kasi siyempre, napakarami pang puwedeng mangyari sa mga buhay namin. Madami pang pagsubok for sure na pagdadaanan kami parehas, pero alam ko naman, based sa mga pinagdaanan namin sa mga nakalipas na panahon, nalampasan namin yun. So, for sure, malalampasan din namin yun,” proud na sabi ni Ruru.