Aminado ang aktres na si Bea Alonzo na may niluluto siyang bagong proyekto kasama ang National Artist for Music na si Ryan Cayabyab kaya naman ang tanong ng kanyang mga fans ay kung sasabak na rin ba siya sa kantahan.
Ayon kay Bea, excited at kinilig siya nang makilala sa personal ang music genius at nang malaman na makakatrabaho niya ito.
“Today, I met THE Mr.C! So kilig that I will be working with a national artist for an extraordinary project soon,” sabi ni Bea.
Tuwang-tuwa din si Bea dahil sinabihan siyang hindi pang-banyo ang kanyang boses sa pagkanta.
Bagamat hindi pa idinetalye ng aktres ang magiging proyekto nilang dalawa, sinabi niya na natupad ang isa sa kanyang mga pangarap.
“Thank you, Mr.C for your encouraging words today! (made my week!) hindi lang daw pang banyo ang boses ko! [laughing face emoji]. I can’t wait to share with you guys about this project! I will be ticking this off my bucket list!,” sabi ni Bea.
Siyempre pati ang fans ni Bea ay nae-excite na sa magiging pasabog ng kanilang iniidolo.