Sa wakas ay ipinakita na ng aktres na si Janine Gutierrez sa publiko ang kanyang trending driver na si Kuya JR.
Muli kasing nabuhay sa social media ang naging tweet noon ng aktres kung saan ibinahagi niya ang pag-iwan sa kanya ni Kuya JR nang mag-withdraw ito ng pera.
At kahit nga tatlong taon na buhat nang nangyari ang trending na eksena ni Janine ay hindi pa rin ito nakakalimutan ng mga netizens.
“BABALA: Lahat talaga nang-iiwan. I went to my car to put my phone inside & get my wallet. Closed the door and walked to the atm across the street. Pagbalik ko wala na kotse ko, iniwan na ko. Akala pala ni kuya nakasakay na ko. Umabot na po siya ng Mandaluyong galing Makati ano po,” saad ni Janine sa kanyang dating post.
Dagdag pa ni Janine, naki-text pa raw siya sa isang lalaki para ma-contact ang kanyang Papa dahil hindi niya kabisado ang number ng kanyang driver. Ito na ang tumawag kay Kuya JR na ang buong akala ay nasa likod lang niya ang dalaga.
At bilang paggunita sa “pang-iiwan” sa aktres ay binati siya ng mga netizens.
Nag-post naman si Janine sa kanyang Twitter account upang ipakilala ang nag-iisang Kuya JR.
“Para sa mga fans ni Kuya JR, binati ko na siya ng happy 3rd pang-iiwan anniversary for you. Salamat sa pagpapaalala samin,” pabirong saad ng aktres.
“Parang gusto niya ko iwanan sa picture na to but anyway – ok lang. Basta wag sa kotse,” hirit pa ni Janine.