Ibinahagi ng aktres at hot mama na si Ina Raymundo na mayroon rin siyang nakatrabaho na mga pasaway at uma-attitude na youngstar sa shooting o taping at ayon sa kanya ay meron talagang mga batang artista na walang pakialam at malasakit sa kanilang mga co-stars pati sa mga production staff.
Naikuwento ni Ina ang nangyari kaugnay sa isang pasaway na youngstar.
“Siyempre hindi ko talaga papangalanan! Pero baka ma-realize niya, siya yun! Ha-hahaha!” simulang pahayag ni Ina. “Basta ano siya, nagyoyosi siya. Nasa isang maliit kami na room na walang bintana, tapos nagyoyosi siya sa loob. May mga bata. As in siksikan kami sa room, nagyoyosi siya sa loob.”
“Talagang alam mo yun, nakaka-shock na hindi ba niya alam na nasu-suffocate kami sa yosi niya? Pero walang gustong magsabi sa kanya,” dagdag niya.
“E, may asthma ako, so tumatak talaga sa akin yun dahil na-torture ako dahil nagyoyosi siya sa isang maliit na room, na walang bintana, may mga bata. Siguro sa maliit na room na yun, mga walo kami, o 10. Yosi siya, wala siyang pakialam. Yun lang, so medyo nakaka-turn off,” sabi pa ng aktres.
Ayaw pa sanang sabihin ni Ina kung lalaki o babae ang kanyang tinutukoy pero nabuking din siya dahil sa sinabing, “I can’t say, I can’t. Ano na lang, genderless. Pero sana, nagbago na siya. Kasi that’s bad for her health.”
Samantala, wala pa naman daw siyang nae-encounter na pasaway na senior star o yung mga nagpapa-importante sa set.
“Wala. Ako, wala. Lahat sila, mababait. And siyempre siguro, you have to know your place.
“Number one po talaga yung, ‘Ako po si Ina…’ Ikaw talaga yung unang maggi-greet, ikaw yung maggi-give ng respect sa mga seniors. SOP yan, di ba? So, wala akong naging problema sa mga seniors. Lahat sila, adorable. Ang sarap nilang makatrabaho, sa totoo lang,” sabi pa ng aktres.